top of page
Search

Paano Maghanda Para sa Undas: Mga Paalala para sa Pamilya

  • Writer: DDC
    DDC
  • 12 minutes ago
  • 1 min read

Maagang Paghahanda at Pagpaplano 


ree

Ngayong papalapit na ang Undas, mahalagang pagplanuhan natin nang maaga kung paano at kelan ito gugunitain. I-check ang mga paalala na inilabas ng inyong LGU at sementeryo/kolumbaryo upang masigurado na tama ang paghahanda na ating gagawin. Iwasan ang huling minutong pag-aayos upang hindi maabala at makaiwas sa dagsa ng tao. 

 

Mabuti ring i-ready na ang mga kandila, bulaklak, at paboritong pagkain ng mahal sa buhay bilang alay. Simple lang, pero malaking bagay para maipakita ang pagmamahal at paggalang sa kanila. 

 

Kaligtasan at Kaayusan sa Araw ng Paggunita 


Dahil maraming tao ang inaasahan na maggugunita ng Undas sa mga sementeryo at kolumbaryo, siguruhung handa ang buong pamilya bago bumisita. Narito ang ilang simpleng paalala para mas maging kumportable at ligtas ang lahat: 


  • Magdala ng tubig, payong, at first aid kit. 

  • Panatilihing ligtas ang mga personal na gamit. 

  • Iwasan ang labis na pagdadala ng alahas o malaking pera. 

  • Magtakda ng meeting place sakaling magkahiwa-hiwalay. 


Ang Dearly Departed ay nakikiisa sa pagsulong ng tahimik, maayos, at organisadong paggunita sa mga mahal sa buhay  upang mapanatiling payapa ang diwa ng araw na ito. 

 

Paggunita na May Kahulugan 


Ang Undas ay hindi lang tungkol sa pag-aalay ng kandila o bulaklak. Ito rin ay panahon ng pag-alaala, pag-ninilay, at pasasalamat sa mga alaala at aral na iniwan ng ating mga mahal sa buhay. 

 

Maaaring magdasal bilang pamilya, magbahagi ng kuwento tungkol sa yumao, o mag-alay ng awitin o panalangin. Sa ganitong paraan, patuloy nating pinananatiling buhay sa ating puso ang kanilang alaala. 

 

Sa Dearly Departed, naniniwala kami na bawat paraan ng paggunita — maliit man o malaki — ay mahalaga, basta’t ito ay nagmumula sa puso. 

 

Kalinisan at Paggalang sa Kapaligiran 


Ang paggunita ay pagkakataon ding ipakita ang malasakit sa kalikasan.  Narito ang ilang simpleng hakbang: 


  • Magdala ng sariling trash bag at huwag mag-iwan ng basura. 

  • Iwasan ang paggamit ng single-use plastics. 

  • Ibalik sa dating ayos ang paligid ng puntod bago umalis. 


Ang kalinisan ay tanda rin ng respeto hindi lamang sa mga yumao, kundi sa mga susunod pang dadalaw. 

 

Pagtitipon ng Pamilya 


Ang Undas ay nagiging panahon din ng pagkikita-kita ng mga kamag-anak. Samantalahin ito upang magbahaginan ng kuwento, magdasal, at magpasalamat sa buhay. Sa gitna ng paggunita, maramdaman sana ng bawat isa ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan. 


Tulad ng ipinapaalala ng Dearly Departed, ang tunay na alaala ay nananatili sa ating pusosa tuwing tayo ay nagmamahal, nagdarasal, at nagpapasalamat sa buhay ng ating mga minamahal. 

 

Paggunita na May Puso at Layunin 


Ang pinakamahalagang paghahanda sa Undas ay hindi lamang ang mga bulaklak o kandila, kundi ang pagbubukas ng puso sa pag-alala.  Sa pamamagitan ng maayos na paghahanda, pagdarasal, pagninilay, napapanatili nating buhay ang diwa ng mga nauna sa atin. 


ree

Kasama ang Dearly Departed, alalahanin nating ang bawat paggunita ay pagkakataon upang magpasalamat, magpatawad, at magpatuloy nang may pag-asa. 

 

“Ang alaala ng mga pumanaw ay mananatili  habang ang mga puso nating nagmamahal ay patuloy na tumitibok para sa kanila.”  




 
 
 

Comments


bottom of page